Monday, August 13, 2012

Just a Part

Namumugto ang mga mata ni Harriet dahil matinding kalungkutan. Hindi niya napigilan ang pagtulong muli ng kanyang mga luha habang kausap ang kanyang kasintahan na nadestino sa ibang bayan. "Kamusta ka na diyan Don? Bakit hindi ka tumawag man lang? Kumain ka na ba?" Tuloy-tuloy niyang tanong.

"Ok lang naman ako dito mahal, umiiyak ka na naman ba?" Tanong nito kay Harriet sa malungkot ding boses.

"Alam mo naman na miss na miss na kita, mag-iingat ka diyan ha. Tandaan mo na naghihintay ako dito." Madamdaming pahayag ni Harriet sa kay Don.

Hindi akalain ni Harriet na sa isang iglap lamang ang kanilang masayang pagsasama ay mauuwi sa hiwalayan, hindi ng kanilang mga puso kundi ng kanilang mga presensiya. Hindi niya lubos maisip kung ano ang gagawin sa araw-araw dahil nasanay na siya na nandiyan lamang si Don sa kanyang tabi, kahit pa na hindi naman sa lahat ng oras ay magkasama sila.

No comments:

Post a Comment