This blog is all about me, my rumblings, feelings, likes, dislikes, trip, fun times, crying times and all time favorites. I changed its name to little secrets because I just want to! Some may be boring, non-sense, long, short but whatever it is, it is a part of me!
Tuesday, June 12, 2012
Maligayang Araw ng Kalayaan
Ang Watawat ng Pilipinas
Ngayon, Hunyo 12,2012 ay ipinagdidiwang natin ang ika-labing isang daan labing apat na taon ng pagiging malaya ng bansa. Ang ipinagkaiba lamang, dahil sa panahon ngayon hindi na lahat ng tao ay nagiging masaya sa kaalaman na ito ay bahagi ng ating kasaysayan. Ngayon, ang mga Pilipino ay parang walang pakialam sa mga nangyayaring kaganapan sa kanyang paligid. Hindi mo na makikita ang watawat ng Pilipinas sa mga sasakyan o establisamento at kung meron man, maaaari mo itong mabilang sa pamamagitan ng iyong mga daliri.
Maraming nagsasabing mga banyaga na ang Pilipinas ay isang mayamang bansa lalo na sa kanyang kalikasan, dahil sa ating kalikasan at magagandang tanawin tayo ay dinadayo ng mga dayuhan. Pero, tayong mga Pilipino mismo ang hindi nakakakita kung gaano ka ganda ang ating bayan, hindi natin nakikita kung ano ang nakikita ng ibang taong hindi tagarito, tayo'y nagbubulag-bulagan sa mga maaaring maihatid sa atin ng ating mismong sinilangan. Datapwat ang nakikita natin ay ang mga mali ng ibang tao at mga katiwalian sa ating gobyerno, kung sa halip na tayo'y magtulungan para maihaon ang mga kababayan natin sa lugmok ng kahirapan, tayo mismo ang nagtutulak sa kanila sa mala-kumonoy na pamumuhay, ang hindi makaangat at makaahon sa kanilang kinatatayuan.
Tama nga siguro ang kanilang mga sinabi na ang mga tao sa bansang ito, ay walang pagmamahal sa kanyang sariling bansa at wika, walang nahuhumaling sa sariling atin. Hindi ko lubos maisip bakit ang ibang bansa na noong una ay mas mahirap pa sa Pilipinas ay ngayon bahagi na ng mga pinakamayang bansa sa mundo, ang hindi nabiyayaan ng kalikasan ay mas dinadayo pa.
Inaamin ko, kahit ganito ang bayan ko, mahal ko ito. Kahit ganito pa ang gobyerno na kinagisnan ko, mahal ko pa rin ang Pilipinas at ako'y nasisiyahan dahil Pilipino ako, dahil naniniwala ako na ang mga PILIPINO ay isa sa bansang may pinakamatalinong mga tao, dahil naniniwala parin ako na makakaahon ang Pilipinas, at hindi lamang dahil kay Manny Pacquiao or Jessica Sanchez ang makikilala sa buong mundo kundi ang iba pang mga PINOY na kagaya mo at kagaya ko.
Ako'y palaging naiiiyak sa tuwing maririnig ko ang pambansang awit, dahil ito ay hindi na maalis sa aking sistema. Sana sa iyo rin, huwag mong kalimutan na ikaw ay ipinanganak at lumaki sa bansang ito, at sana ipagmalaki mo na ang lahi mo, ay lahing Pilipino!
Ako'y isang Pinoy, sa isip, sa salita at sa gawa at mahal ko ang Pilipinas, ang aking lupang sinilangan! =)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment