Kasabay ng malakas na buhos ng ulan
Ay ang pagbuhos ng luha sa aking mga mata
Kasabay ng malamig na dapyo ng hangin sa aking katawan
Narinig ko ang mga salitang hindi ko maisipan
Kung nasaktan man kita, patawarin mo sana
Hindi ko ninais na ganoon ang magagawa
Hindi ko naisip na ganoon ang iyong makita
Patawarin mo ako, ako'y hiyang-hiya
Totoo naman lahat ng sinabi mo
Hindi ko lang naman napigilan ang damdamin ko
Hindi ko lang lubos maisip kung bakit
Bakit ako nagkaganito
Ako'y nasasaktan sa di malamang dahilan
Ako'y nalilito sa mga pinagdadaanan
Mata ko'y hilam na sa mga luha
Mahl naman kita, hindi mo ba nakikita?
Ina ko, patawarin mo ako
Hinding-hindi ko uulitin pa ito
Kung ano man ang nagawang kasalanan ko
Sana maintindihan at mapatawad mo
No comments:
Post a Comment